Home NATIONWIDE 6 parak nahuling walang lisensya sa biglaang inspeksyon sa Crame

6 parak nahuling walang lisensya sa biglaang inspeksyon sa Crame

248
0

MANILA, Philippines – Anim na pulis ang nahuling nagmamaneho nang walang lisensya o may kulang na rehistro sa biglaang inspeksyon sa Camp Crame nitong Huwebes.

Sinuri ng PNP-Highway Patrol Group (HPG) ang 500 motorsiklo at 300 kotse sa pangunahing gate at nag-isyu ng anim na citation ticket para sa iba’t ibang paglabag.

Ayon kay HPG spokesperson Lt. Nadame Malang, iniutos ni bagong HPG director Col. Hansel Marantan ang operasyon para matiyak na sumusunod din ang mga pulis sa batas-trapiko.

“The purpose of this operation is to ensure that all policemen are also following the law,” ani Malang, sabay babala laban sa paggamit ng mga recovered vehicles.

Dagdag niya, magpapatuloy ang inspeksyon hanggang lahat ng PNP personnel ay mahigpit na sumusunod, at tiniyak na walang sisinuhin sa mahuhuli. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here