Home NATIONWIDE 6 pasahero nasagip sa tumaob na bangka sa Mindoro

6 pasahero nasagip sa tumaob na bangka sa Mindoro

161
0

MANILA, Philippines – Anim na pasahero ng tumaob na motorbanca ang nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) mula sa tumaob na motorbanca sa karagatan malapit sa Barangay Pag-asa, San Jose, Occidental Mindoro ngayong araw, Abril 22, 2026.

Agad namang nagsagawa ng seach and rescue operation ang PCG at natunton ang tumaob na motorbangka at nailigtas ang anim na pasahero. Lahat ng nakaligtas ay nasa maayos na kalagayan.

Nagsagawa na rin ng towing operations upang hilahin ang tumaob na motorbanca papunta sa pinakamalapit na dalampasigan.

Sa kasalukuyan, patuloy na minomonitor ng PCG SAR team ang sitwasyon at nagsasagawa ng imbestigasyon kasama ang mga nakaligtas upang makakuha ng karagdagang detalye hinggil sa insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here