Home METRO 6 sugatan sa pagbangga ng pick-up sa gilid ng kalsada

6 sugatan sa pagbangga ng pick-up sa gilid ng kalsada

PANGASINAN- Sugatan ang anim na indibidwal matapos bumangga ang isang Mitsubishi Strada Athlete sa gutter ng kalsada at sa concrete riprap sa Brgy. Sta. Maria East, San Nicolas ng lalawigang ito kahapon, Hunyo 16.

Ang naturang Pick-up ay minaneho ng 62-anyos na magsasaka, residente ng Jose Abad Santos, Laya East, City of Tabuk, Kalinga.

Nakasakay sa naturang sasakyan ang mga pasahero nitong: 68-anyos na babae, 33-anyos na babae, 28-anyos na lalaki, 10-anyos na lalaki, at 2-anyos na babae, pawang mga kalugar ng driver.

Base sa pahayag ng driver, nakatulog siya habang nagmamaneho kaya nawalan siya ng kontrol sa minamanehong sasakyan hanggang sa bumangga sa gutter at sa concrete riprap.

Agad na dinala sa ospital ang driver ng pick-up at limang pasahero nito. Rolando S. Gamoso