Home METRO 6 suspek na nasa drug watchlist nasakote sa Taguig

6 suspek na nasa drug watchlist nasakote sa Taguig

Anim na indibidwal na kabilang sa drug watchlist ang nadakip matapos makuha sa kanilang posesyon ang hinihinalang shabu nitong nakaraang Miyerkules, Marso 6 sa Taguig City.

Kinilala ng Taguig City police ang mga inarestong suspects na sina alyas Neil, 44; alyas Jeffrey, 40; alyas William, 43; alyas Mary Joy, 36; alyas Kathy, 38; at alyas Andrea, 23.

Base sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), naganap ang pag-aresto sa mga suspects habang nagsasagawa ng kanilang pagpapatrulya ang mga tauhan ng Substation 5 sa Barangay Napindan, Taguig.

Sa isinagawang background check sa mga suspects ay napapabilang ang mga ito sa listahan bilang mga street level individuals (SLI) sa drug watchlist na nagpapatunay sa kanilang pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Sinabi ng Taguig police na narekober sa posesyon ng mga suspects ang siyam na plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na containing suspected shabu na tumitimbang ng 27.5 gramo na nagkakahalaga ng P187,000.

Ang nakumpiskang hinihinalang shabu na gagamiting ebidensya sa pagsasampa ng kaso laban sa mga suspects ay dinala sa SPD forensic unit para sumailalim sa analysis.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Taguig City police ang mga suspects na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (James I. Catapusan)

Previous articleKasong illegal drug trade vs Kerwin Espinosa binuhay muli ng CA
Next articleListahan ng NFA warehouses na sangkot sa anomalya sinubpoena ng Ombudsman