Home METRO 6 tiklo sa drug bust

6 tiklo sa drug bust

MANILA, Philippines – SHOOT sa kulungan ang anim na hinihinalang sangkot sa iligal na droga matapos madakip ng pulisya sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Navotas City.

Ayon kay Navotas Police chief P/Col.Mario Cortes, dakong alas-8:05 ngf Linggo ng gabi nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Genere Sanchez sa buy bust operation sa M. Naval St., Brgy. San Jose sina alyas Bembem, 28 at alyas April 24, kapwa ng lungsod.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 10.3 grams ng hinihinalang shabu na may stand drug price value na P70,040.00 at buy bust money.

Nauna rito, bandang alas-12:38 ng madaling araw nang maaresto ng kabilang team ng SDEU sa buy-bust operation din sa Gov. Pascual St., Brgy. Daanghari sina alyas “Nognog”, 39 at alyas “Jason”, 36, kapwa residente ng nasabing lungsod.

Narekober sa dalawa ang nasa 5.17 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P35,156 at buy bust money.

Samantala, sa Goldrock St., Brgy. San Roque, nadakip ng isa pang team ng SDEU sa buy-bust operation dakong ala-1:21 ng madaling araw sina alyas “Ryan Bakla” at alyas “Pido”.

Base kay Capt. Sanchez, nasamsam sa kanila ang nasa 5.12 grams ng hinihinalang shabu na may halagang P34,816 at buy bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. R.A Marquez