Home NATIONWIDE Economic Cha-cha maaaprubahan na sa Senate leadership change- solon

Economic Cha-cha maaaprubahan na sa Senate leadership change- solon

MANILA, Philippines – May tiyansa nang maaprubahan ang isinusulong ng Marcos administration na economic Charter Change sa nangyaring pagbabago ng liderato sa Senado, ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman.

“Itong usapin sa Cha-cha ay tapos na sa mababang kapulungan and I have said my piece then and it’s always possible that a change of leadership will also enhance the chances of Charter change,” paliwanag ni Lagman.

Ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 7 na nagsusulong ng pagluwag sa ilang economic provisions sa Saligang Batas ay naipasa sa huli at ikatlong pagbasa sa Kamara noong Marso subalit hindi na umusad sa Senado sa ilalim noon ni Senate President Migz Zubiri.

“Let the development unfold in the Senate because the House has already approved the Cha-cha resolution,”ani Lagman.

Si Lagman ay pabor na Senado at Kamara ay umakto bilang Constitutional Assembly (Con-Ass) sa pag apruba sa Cha-Cha.

Sa Con-Ass ang mga mambabatas ay mayroon tig iisang boto. Gail Mendoza