Home METRO 6 tiklo sa higit P1-M tobats sa CAMANAVA

6 tiklo sa higit P1-M tobats sa CAMANAVA

182
0

MANILA, Philippines – Anim na drug personalities ang arestado matapos makuha sa kanila ang mahigit P.1 milyong halaga ng shabu nang maaresto ng pulisya sa magkahiwalay na anti-drug operations sa Camanava area.

Sa Caloocan, naaresto ng mga tauhan ni Caloocan Police OIC Chief P/Col. Joey Goforth ang 26-anyos na construction worker nang pumalag sa mga sumitang tauhan ng Police Sub-Station 13, dahil sa paglabag sa City Ordinance sa Brgy., Bagong Silang at ang 41-anyos na lalaki na tinaka namang takasan ang mga sumitang tauhan ng Police SS8 sa Zamora Compound, Brgy. 172, Urduja.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 3 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P20,400.

Laglag naman sa mga tauhan ni Malabon police chief P/Col. Allan Umipig sina alyas “John”, 20, ng Brgy. Catmon alyas “Bagsik”, 19, ng Brgy. Hulong Duhat matapos maaktuhan ng nagpaparulyang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 7 na ipinaghahmbing ang hawak nilang tig-isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P432 sa Gov. Pascual Avenue, Brgy. Bariutan dakong ala-1:30 ng madaling araw.

Sa Navotas, nadakma naman ng mga tauhan ni Navotas police chief P/Col. Renante Pinuela ang 50-anyos na listed bilang street-level drug pusher na si alyas “Atong”, sa buy bust operation sa Judge Street, Brgy. San Roquea at nakuha sa kanya ng mga operatiba ng SDEU ang nasa 7.32 grams ng pinaniniwalaang shabu na nasa P49,776 ang halaga.

Habang nadakip naman ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Gerson Bisayas dakong alas-9:15 ng umaga si alyas “Jay”, 23, sa bisa ng ipinatupad na search warrant na inisyu ng Valenzuela City Regional Trail Court (RTC) Branch 270 para sa paglabag sa RA 9165.

Nasamsam ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Capt. Joan Dorado sa unang drawer ng plastic cabinet ng suspek sa loob ng kanyang bahay sa Unit 7, Disiplina Village, Brgy. Ugong ang siyam plastic sachets na naglalaman ng nasa 5 grams ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P34,000 at drug paraphernalias. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here