Home ENTERTAINMENT Pops, nagpaliwanag sa ‘anak’ nila ni Piolo!

Pops, nagpaliwanag sa ‘anak’ nila ni Piolo!

295
0

Manila, Philippines- Were the Concert Queen and the Ultimate Leading Man an item before?

Ang sagot, oo.

Hindi naman ‘yon lingid sa kaalaman ng kanilang mga kaibigan.

Followup question: kung naging sina Pops Fernandez at Piolo Pascual dati, nagbunga ba ang kanilang relasyon?

As in nagkaanak ba ang singer sa aktor?

Ito kasi ang pinalalabas ng mga fake news purveyors sa social media.

At aware si Pops dito dahil sa katunayan, even her other friends keep asking her that nagging question.

Ayon sa mga ito, natisod daw nila ang balita sa Facebook.

Pero mismong ang Concert Queen na ang nagbigay-linaw that there’s no truth to it.

Natawa na nga lang si Pops nang may isang malapit na reporter ang kumausap sa kanya to get her reaction.

Napagtanto naman daw ni Pops kung bakit ginagawan siya ng fake news.

Ito’y para nga naman pagkakitaan ang kanilang mga content at her expense.

Kaya pakiusap ni Pops, tigilan na ‘yang pagkakalat ng mga pekeng balita.

Ang problema kasi, may ilan pa ring mga netizens ang basta-basta na lang naniniwala.

Kunsabagay, was there a time na nagtago si Pops noong panahong “ipinagbubuntis” niya ang anak nila ni Piolo?

Never, ‘no!

Payo sa ibang netizens: iwasang maging mapagpatol sa lahat ng mga lumalabas sa social media! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here