Home NATIONWIDE 6 utas, 529 aksidente naitala sa holiday seasonNATIONWIDETOP STORIES 6 utas, 529 aksidente naitala sa holiday seasonJanuary 2, 2025 09:45 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Anim (6) ang patay sa kabuuang bilang na 529 mga kaso ng road traffic incidents sa bansa ngayong holiday season.Apat sa nasawi ay mula sa motorcycle accident.Nitong Enero 1, ay 33 bagong kaso ang naitala na naaksidente sa kalsada.Ang mga sumusunod na datos ay mula sa 8 pilot sites na binabantayan ng Department of Health (DOH) mula Disyembre 22,2024 hanggang Enero 1,2025.Kung ikukumpara naman ang datos noong nakaraang taon, ito ay mas mataas ng 31% .Sa datos ng DOH, 459 kaso ang hindi gumamit ng safety accessories.Nasa 383 ay motorcycle accidents at mayroong 94 na naaksidente na nasa impluwensya o nakainom ng alak. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)