Home NATIONWIDE 60-day pork import ban, ikinatuwa ni Kiko: ‘Proteksiyon sa hog industry’

60-day pork import ban, ikinatuwa ni Kiko: ‘Proteksiyon sa hog industry’

1
0

MANILA, Philippines – Matapos ang kanyang panawagan na itaas ang farmgate prices ng baboy at higpitan ang pork import controls, ikinatuwa ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan nitong Martes, Nobyembre 10, ang anunsyo ng Department of Agriculture (DA) ng 60-araw na ban sa pork imports, dahil matutugunan nito ang mga hirap na kinahaharap ng mga lokal na hog raiser at mapapalakas ang domestic livestock industry ng bansa.

Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan, chairman ng Senate Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform na makatutulong ang hakbang upang matiyak na mababawi ng mga hog raiser ang kanilang production costs at mapanatili ang kanilang kabuhayan.

Nauna nang ipinahayag ng senador ang kanyang pagkabahala sa matarik na pagbaba ng farmgate prices ng live hogs, na bumagsak mula sa humigit-kumulang P215 kada kilo noong Hunyo 2025 tungo sa humigit-kumulang P150 kada kilo noong Agosto 2026. Sa ilang lugar, iniulat na bumagsak pa ang presyo sa P120 hanggang P160 kada kilo — mga antas na hindi sapat para sa maraming raiser upang mabawi ang kanilang gastos sa produksyon.

“Matagal nang hinaing ng ating mga hog raisers ang mababang farmgate prices dahil luging-lugi naman sila sa napakataas na cost of production ng pag-aalaga ng baboy. Kaya we welcome this development from the DA — magandang unang hakbang ang pagpipigil sa pagpasok ng imported na karne ng baboy para makabangon naman ang ating hog industry,” pahayag niya.

Binigyang-diin niya na ang import ban ay maaaring magbigay sa mga lokal na prodyuser ng oportunidad na maibenta ang kanilang mga baboy sa mas makatwirang presyo, mabawi ang kanilang puhunan, at magpatuloy sa pagsuplay sa domestic market.

Ngunit binigyang-diin din niya na ang 60-araw na pork import ban ay hindi dapat ituring na isang one-time intervention. Sa halip, sinabi ng senador na dapat ito ay bahagi ng mas malawak na pagsisikap upang buhayin ang lokal na hog industry.

“Hindi naman natin isasara ang pintuan sa pork imports. Ang gusto natin ay kontrolado at tamang timing sa pagpasok ng mga imported na agricultural products, tulad ng karneng baboy, para hindi nito mapatay ang kabuhayan ng ating mga magbababoy,” dagdag pa ni Pangilinan.

Ang 60-araw na ban o restriksyon ng DA sa pork imports ay sumasaklaw sa sariwa, pinalamig, at frozen na karne ng baboy, tulad ng carcasses at half-carcasses; hams, shoulders, at cuts nito, na may buto; sariwa, pinalamig, at frozen na edible pork offals.

Bagama’t ikinatuwa ni Pangilinan ang hakbang, nanawagan din siya sa DA na masusing bantayan ang farmgate prices sa panahon ng restriksyon at suriin kung sapat ang 60-araw na panahon para makabangon ang mga hog raiser.

Sinabi niya na dapat maging handa ang gobyerno na palawigin o maglunsad ng karagdagang mga hakbang kung mananatiling mas mababa sa production costs ang farmgate prices, habang tinitiyak na mananatiling abot-kaya at accessible ang baboy sa mga konsyumer na Pilipino.

“The ultimate goal is to protect both our producers and consumers. Kailangan nating siguraduhin na kumikita nang maayos ang ating mga magbababoy habang ang pamilyang Pilipino naman ay nakakayanang bumili nito sa merkado,” dagdag pa niya. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here