MANILA, Philippines – Hiniling ni Senador Rodante Marcoleta at co-accused nito sa Sandiganbayan Third Division na ibasura ang P75 milyong plunder case laban sa kanila.
Ito ang ibinahagi ni Third Division Clerk of Court Atty. Dennis Pulma nitong Miyerkules, Nobyembre 11.
“All of the accused – Senator Marcoleta, Mike Defensor, Espiritu, Viray – all of the accused already filed their respective motions for leave to file demurrer to evidence,” ani Pulma.
Ang co-accused ni Marcoleta ay sina Mike Defensor, businessmen na si Aristotle Viray at Joseph Espiritu.
Inihain ang demurrer to evidence ng akusado para idismiss ang kaso laban sa kanila at iginigiit na bigong mailatag ng prosekusyon ang sapat na ebidensya para patunayan ang kaso.
Idinagdag ni Pulma na ang prosekusyon ay bibigyan ng limang araw para magpasa ng kanilang mga komento sa mga inihaing mosyon.
Ang kanilang non-bailable plunder case ay nag-ugat sa P75 milyong donasyon na natanggap umano ni Marcoleta habang representative ng SAGIP Party-list.
Nauna nang inamin ni Marcoleta sa isang tv show na nakatanggap siya ng pondo mula sa tatlo niyang kaibigan.
Nagbigay umano sina Defensor, Espiritu, at Viray ng P30 milyon, P25 milyon, at P20 milyon kay Marcoleta.
Noong Oktubre 19, sinuspinde ng Third Division suspended Marcoleta ang senador ng 90 araw dahil sa kasong plunder.
Sa ilalim ng Republic Act No. 7080 o Anti-Plunder Act, kailangan ang preventive suspension sa sinumang opisyal na nahaharap sa reklamong plunder. RNT/JGC