MANILA, Phlippnes – Sinalakay ng mga operatiba mula sa hanay ng National Capital Region Police Office (NCRPO), Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) at Securities and Exchange Commission (SEC) ang isang establisyimento na nagsasagawa ng love and crypto currency scam sa Ermita, Maynila.
Higit sa 60 foreign nationals at nasa 47 Pilipino ang naabutan ng mga otoridad sa nasabing establisyimento.
Kabilang sa mga dayuhan ang 35 chinese, 24 na indonesian at 10 malaysian national na pawang mga inaresto habang pinauwi muna ang mga Pinoy matapos isasailalim sa profiling.
Ayon sa mga operatiba, modus ng mga ito na kilalanin, kaibiganin at makikipag-relasyon saka hihikayatin na mag-crypto currency.
Sa oras na makuha ang pera ng kanilang target ay biglang hindi na makokontak ang mga suspek.
Nakipag-ugnayan na ang NCRPO sa Bureau of Immigration para malaman kung may permit o dokumento ang mga naaresto na foreign nationals habang inaalam na kumg sino ang namumuno at nasa likod ng iligal na gawain. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)