Home METRO 60 nagtapos sa Navotas rehab program

60 nagtapos sa Navotas rehab program

Nasa 60 drug surrenderees ang nagkaroon ng pagkakataong magbagong buhay sa pamamagitan ng community-based drug rehabilitation program ng Navotas, ang BIDAHAN.Binati ni Mayor John Rey Tiangco ang mga sumasailalim na kalahok ng Bidahan sa serye ng counselling sessions sa loob ng anim na buwan, at random drug testing para masiguro ang pagsunod nila sa programa. JOJO RABULAN

MANILA, Philippines – NASA 60 katao na nalulong sa ipinagbabawal na gamot (PWUDs) ang nagtapos mula sa Bidahan ang community-based treatment and rehabilitation program (CBDRP) ng lokal na pamahalaang lungsod ng Navotas.

Sa ilalim ng Bidahan, anim na buwan ang isasagawang Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) at anim na buwan pang aftercare.

Ang mga nagsipagtapos ay kabilang ang 20 mula city’s primary care program at 13 galing sa barangay CBDRP samantalang 27 ang nagtapos sa aftercare program.

Ang mga lumahok sa programa ay sumailalim sa lingguhang psychoeducation lectures, counseling sessions, group therapy sessions, relapse prevention sessions at life skills training.

Dumaan din sa random drug testing upang matiyak ang pagsunod sa programa.

Nasa 60 drug surrenderees ang nagkaroon ng pagkakataong magbagong buhay sa pamamagitan ng community-based drug rehabilitation program ng Navotas, ang BIDAHAN.
Binati ni Mayor John Rey Tiangco ang mga sumasailalim na kalahok ng Bidahan sa serye ng counselling sessions sa loob ng anim na buwan, at random drug testing para masiguro ang pagsunod nila sa programa. JOJO RABULAN

Pinuri naman ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang mga lumahok at nagdesisyon na iwanan at talikuran na ang masamang bisyo at pinili na magbagong-buhay kapiling ang kanilang pamilya.

“Admitting your addiction is the first step towards self-transformation. Your graduation today is just the beginning of your journey to complete healing and recovery,” ani Tiangco.

“Strive to improve and be a better version of yourselves every day. Your family will always be there to provide all the love and support you need,” dagdag pa ng alkalde.

Maliban sa Bidahan, ang lokal na pamahalaan ay may karagdagang mga programa para upang mapalakas ang anti-drug campaign.

Kabilang dito ang drug awareness at prevention lectures sa mga Navoteño na mag-aaral, random at mandatory drug testing naman para sa mga city hall employees at barangay employees, program beneficiaries, at drug-clearing ng mga barangays.

Mula 2023, 13 sa 18 barangays ay idineklarang drug-cleared ng Philippine Drug Enforcement Agency. R.A Marquez