Home METRO Kalansay natagpuan sa unibersidad

Kalansay natagpuan sa unibersidad

MANILA, Philippines – Natagpuan ang kalansay ng isang hindi pa nakikilalang tao sa bisinidad ng Central Philippines State University (CPSU) sa Barangay Camingawan, Kabankalan City, Negros Occidental nitong Martes, Abril 16.

Ayon kay Police Lt. Col. Roberto Indiape, Kabankalan police chief, walang dapat ikabahala dahil ang lugar ay ginamit bilang sementeryo para sa Indigenous Peoples (IPs) ilang taon na ang nakalilipas.

Ani Indiape, natagpuan ng construction workers ang mga buto habang naghuhukay sila ng septic tank malapit sa renovated gymnasium.

Planong ipreserba ng unibersidad ang nakuhang kalansay ngunit susuriin muna ito upang matukoy ang pagkakakilanlan nito. RNT/JGC