Home NATIONWIDE 600K ASF vax bibilhin ng DA ‘gang Disyembre

600K ASF vax bibilhin ng DA ‘gang Disyembre

MANILA, Philippines – UMAASA si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na makokompleto ng gobyerno na makakuha ng 600,000 doses ng African swine fever (ASF) vaccine ngayong Disyembre ng taong kasalukuyan.

”As far as ASF is concerned, the first 10,000 doses will be finished… the vaccination will be finished by the end of the month, the schedule for the award of the next 450,000 doses this October 10 of which we will take delivery of 150,000 doses by then,” ang sinabi ni Laurel sa press briefing sa Malakanyang.

”We hope to complete the procurement of 600,000 doses by end of December this year,” dagdag na wika nito.

Buwan ng Agosto nang simula ng pamahalaan ang tinatawag na ‘controlled trial’ ng Vietnam-made ASF vaccine bilang bahagi ng pagsisikap nito na labanan ang pagkalat ng nasabing sakit.

Sinabi ng mga awtoridad na kasama sa ASF vaccination ay ang pagbabakuna sa mga malulusog na baboy para pigilan ang paglaganap ng sakit, na nakaapekto sa local hog sector simula nang matuklasan ito noong 2019.

Samantala, P350 million ang inilaan ng Department of Agriculture para makakuha ng 600,000 doses ng ASF vaccine para sa trial.

Ang pagbabakuna ay gagawin sa pamamagitan ng ‘voluntary basis’ at prayoridad dito ang maliliit na hog raisers sa mga lugar na mayroong mataas na kaso ng ASF.

Nauna rito, sinabi ni Laurel na mahalaga ang pagkakatuklas sa tamang bakuna laban sa ASF “to saving billions of investments, revitalizing backyard farms, and ensuring food security in the country.” Kris Jose