Home NATIONWIDE PBBM, kumpiyansa sa pagbaba ng presyo ng bigas

PBBM, kumpiyansa sa pagbaba ng presyo ng bigas

KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas mababawasan ang presyo ng bigas sa bansa.

“Doon sa rice mukha namang sumusunod doon sa projections natin sa rice prices. And it seems to be consistent again with the same experience of other ASEAN countries like Thailand and Vietnam,” ayon kay Pangulong Marcos sa idinaos na sectoral meeting sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes.

“So, I think as the time goes on, that should improve,” aniya pa rin.

Sinabi naman ng Presidential Communications Office (PCO) na bigas ang itinuturing na top inflation driver, nakapag-ambag ng 1.3% na puntos sa inflation.

“Inflation further decelerated to 14.7 percent, but prices remained elevated,” ayon sa PCO.

Ang mga presyo ng bigas sa Vietnam at Thailand ay naging moderate noong nakaraang buwan, nakasaad sa available data para sa buwan ng September ang pagbabago sa presyo ng kalakal.

Matatandaang, ang campaign promise ni Pangulong Marcos ay ibaba ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo.

“The aspiration hinges on fixing the value chain, or the series of stages involved in producing a product or service that is sold to consumers, with each state adding to the value of the product or services.” ang sinabi ng Chief Executive.

Samantala, sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na may pagtataya ang DA ng paggaan ng presyo ng bigas, ang ganap na epekto nito ay dapat na maramdaman sa Enero 2025.

”So, we should see a lowering of—because of the lower duties, at saka bumaba rin ng kaunti ang international price ng bigas, so pababa na iyan. But the full effects, para sa akin, ?5.00 to ?7.00 ang range, so, I will put it at ?5.00 na dapat bumaba,” ang sinabi ni Laurel.

”Kung ?52 kunwari ngayon ang bigas, dapat by January ay nasa ?48 na lang iyan; kung ?50 ang bigas ngayon, ?45 dapat iyan by January. Iyan ang aking estimates,” dagdag na wika nito. Kris Jose