Home METRO 600K inilikas sa matinding pagbaha sa BARMM

600K inilikas sa matinding pagbaha sa BARMM

174
0

DAVAO CITY- Halos limang buwan na ang nakalilipas, ipinapanalangin ng mga residente sa maraming bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na umulan dahil sa naranasang dry spell na sumira sa daan-daang ektarya ng agricultural crops.

Isa sa mga pinakaapektado sa rehiyon ang lalawigan ng Maguindanao del Sur na isinailalim sa state of calamity noong Abril dahil sa epekto ng El Niño phenomenon.

Subalit, habang bumabangon pa ang mga residente sa epekto ng dry spell, panibagong kalamidad ang nanalasa sa 8,000 ektarya ng agricultural land sa BARMM dahil sa matinding pagbaha dulot ng malakas na pag-ulan sa gitna ng southwest monsoon o habagat mula noong nakaraang linggo.

Batay sa ulat mula sa BARMM Rapid Emergency Action on Disaster Incidence (Bangsamoro READi), makikitang hanggang noong Hulyo 18, nakaapekto ang matinding pagbaha sa rehiyon sa nasa 135,000 pamilya o halos 600,000 indibidwal mula sa mga lalawigan ng Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, at Special Geographic Area (SGA).

Hindi bababa sa 76,000 sa mga pamilyang ito ang mula sa Maguindanao del Sur na muling isinailalim sa state of calamity noong Hulyo 16.

Sapul ng matinding pagbaha ang 17 sa 24 bayan nito, batay sa ulat mula sa provincial government.

Bukod sa Maguindanao del Sur, binaha rin ang mga bagong bayan sa ilalim ng SGA ng BARMM.

Sa maraming lugar,  umabot pa ang tubig-baha sa bubong ng ilang istraktura, habang maraming residente ang lumikas patungo sa ligtas na lugar gamit ang canoes at motorized pumpfood aid sa mga liblib na barangay sa Datu Montawal, Maguindanao del Sur. 

Marami sa flood-hit areas ang malapit sa Pulangi River na dumadaloy sa ilang bayan ng Maguindanao provinces maging ilang parte ng lalawigan ng Cotabato. 

Dulot ang pagbaha sa Central Mindanao ng malakas na pag-ulan hindi lamang sa rehiyon kundi maging sa bulubunduking bahagi ng Bukidnon, ang “headwaters” ng Pulangi River.

Bukod dito, isinisi rin ang pagbaha sa naiulat na pagpapakawala ng tubig mula sa dam ng Pulangi IV Hydroelectric Power Plant ng National Power Corp. sa Maramag, Bukidnon noong Hulyo 12.

Umaapela naman ang local government officials sa Cotabato sa national government na asistihan ito sa pagtugon sa baha sa Central Mindanao. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here