Home METRO Panalangin para sa mga pamilya hirit ng arsobispo sa gitna ng pagsusulong...

Panalangin para sa mga pamilya hirit ng arsobispo sa gitna ng pagsusulong ng diborsyo

MANILA, Philippines- Nanawagan ng panalangin ang isang arsobispo para sa proteksyon ng kasal at mga pamilya sa gitna ng pagsusulong na ipasa ang panukalang Divorce Law. 

Sa kanyang homily sa pagbubukas ng 2024 National Conference of Youth Ministers (NCYM), sinabi ni Archbishop John Du ng Palo, Leyte na ang mga pamilya ang pinagkukunan ng pag-asa ng mga kabataan at ang diborsyo ay “a threat to family ties.”

“The destruction of families is one of the great reasons why many young people today are lost in hope,” wika ni Du.

“And so we pray that the absolute divorce bill will not be approved,” dagdag niya.

Daan-daang kalahok mula sa iba’t ibang dioceses ang nagtipon para sa five-day NCYM sa Palo Metropolitan Cathedral.

Ang NCYM ay isang biennial event kung saan nagtitipon ang youth ministers upang magbahagi ng mga impormasyon, at makakuha ng mga bagong kaalaman at kasanayan. Nilalayon din nito ang inter-ministerial collaboration sa youth ministry, na nagpapalakas sa papek nito bilang mahalagang bahagi ng misyon ng simbahan.

Nauna nang inihayag ng CBCP na maaari lamang nilang ipanawagan ang diskusyon sa Divorce bill sa paggiit nilang ang kawalan ng nasabing batas ay dapat maging rason para sa pag-isipang mabuti ang pag-aasawa. RNT/SA