Home METRO Bigtime pusher nasakote sa high grade kush, liquid marijuana

Bigtime pusher nasakote sa high grade kush, liquid marijuana

MANILA, Philippines- Nasa mahigit sa P2 milyong halaga ng high grade kush at liquid marijuana ang nakumpiska sa isang bigtime drug pusher at kabilang High Value Individual (HVI) sa isinagawang buy-bust operation sa Brg.y Victoria Reyes, Dasmarinas City, Cavite.

Ayon sa report, kinilala ang naaresto na si alyas Bob, nasa hustong gulang, at residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:45 ng gabi nang magsagawa ng operasyon ang pinagsanib na pwersa ng Intel/City Drug enforcement team ng Dasmarinas Component City Police Station, Provincial Drug Enforcement unit Cavite, Cavite PPO, PNP DEG,-4A SOU laban sa suspek.

Nakumpiska mula sa pag-iingat ng suspek ang 32 piraso na may black label cart liquid marijuana; 27 piraso ng may white label cart liquid marijuana na aabot sa halagang P21,632.00 na nakalagay sa malalaking zip lock plastic na naglalaman naman ng high grade marijuana o kush na may timbang na 1,020 gramo at may halagang P1,700,000; isang brick ng marijuana; dalawang malaking plastic zip lock ng dried leaves marijuana; dalawang piraso ng clear wrap dried leaves marijuana; dalawang brown packaging tape na may marijuana leaves na aabot sa mahigit sa 5000 gramo na may halagang P600,000.

Kasabay nito, nakuha rin sa suspek ang pitong piraso ng tig-1000 peso bill na boodle money at isang genuine 500-peso bill genuine. Margie Bautista