Home NATIONWIDE Trabahador pisak sa higanteng blade fan ng wind turbine

Trabahador pisak sa higanteng blade fan ng wind turbine

Sydney, Australia– Pisak ang isang lalaki hanggang sa mamatay matapos na mabagsakan ng higanteng fan blade ng isang wind turbine sa isa sa pinakamalaking wind farm sa Australia, sinabi ng pulisya noong Lunes, Nobyembre 11, 2024.

Sinabi ng awtoridad na ang biktima ay nagtatrabaho siya sa lugar ng Golden Plains mga 130 kilometro (80 milya) sa kanluran ng Melbourne, isang proyekto kung saan kinikilala ang sarili bilang pinakamalaking wind farm sa Australia.

Ang mammoth fan blades na ginagamit sa mga pang-industriyang wind turbine ay maaaring tumimbang ng hanggang 22 tonelada at may sukat na higit sa 60 metro (200 talampakan) ang haba.

Ang mga larawan mula sa lokal na media ay nagpakita ng isang traktor na nagtatangkang iangat ang dulo ng isang fan blade, na tila nabaligtad ang isang metal brace. RNT