Home NATIONWIDE Matalik na kaibigan binaril, sinilid sa drum sa pagpupumilit na umutang sa...

Matalik na kaibigan binaril, sinilid sa drum sa pagpupumilit na umutang sa suspek

Image Representation Only

LAGUNA — Tinadtad ng bala at isinilid pa sa isang drum ang isang truck driver sa  Barangay Kanluran, Sta. Rosa Laguna. Ang motibo sa krimen, dahil sa utang.

Base sa imbestigasyon, sinabi ni Police Lt. Col. Benson Pimentel, hepe ng Santa Rosa City Police, una silang nakatanggap ng ulat na may masangsang na amoy na nanggagaling sa isang apartment sa nasabing barangay.

Sa pagresponde, doon na nila nadiskubre ang drum na pinagmumulan ng masangsang na amoy at doon na rin nadiskubre ang bangkay ng isang lalaki na naaagnas na.

Ani Pimentel na lumabas sa imbestigasyon ng SOCO na may dalawang tama ng baril ang bangkay.

Sa isinagawang follow-up investigation, sinabi ni Pimentel na kinilala ang suspek na isang tricycle driver sa lugar na dating matalik na kaibigan ng biktima.

Base sa backtracking ng CCTV sa lugar na nakasakay pa sa tricycle ng suspek ang malaking drum na siyang ginamit umano niya para sa pagtago sa bangkay ng biktima.

Natunton naman sa Tondo, Maynila ang suspek at doon siya inaresto.

Sa kwento ng suspek, pumunta muna sa kanyang bahay ang biktima para manghiram ng P1,000 pero nang hindi siya pumayag ay inaway siya nito.

Doon siya nagalit kaya napatay niya ito.

“Parang pinilit niya ako, nagalit na siya sa akin, ayun nangyari na ‘yung ganun. Aksidente, ‘yun lang ang masasabi ko. Sa pamilya ni Macmac na kaibigan ko, pasensya po talaga kayo sa nangyari hindi ko inaasahan na aabot sa ganung pangyayari,” dagdag niya. RNT