Home METRO 62 kaso ng dengue naitala sa Kyusi sa unang linggo ng 2026

62 kaso ng dengue naitala sa Kyusi sa unang linggo ng 2026

290
0

QUEZON CITY, Philippines – Umabot sa 62 ang naitalang kaso ng dengue sa Quezon City mula Enero 1 hanggang 8, ayon sa Quezon City Epidemiology and Surveillance Division.

Mas mababa ito ng 85% kumpara sa parehong panahon noong 2025.

District 2 ang may pinakamaraming kaso na umabot sa 25.

Karamihan sa mga pasyente, 44 sa 62, ay 20 taong gulang pababa. Wala pang naiulat na namatay dahil sa dengue ngayong taon.

Pinayuhan ng LGU ang publiko na maging maingat at gawin ang mga sumusunod:

–Linisin at sirain ang mga lalagyan ng tubig na puwedeng pamahayan ng lamok.

–Gumamit ng long-sleeved na damit, mosquito nets, at anti-mosquito spray.

–Agad na magpakonsulta sa health center kapag may sintomas tulad ng lagnat, pananakit ng ulo, at sakit sa tiyan.

Libre ang dengue test at check-up sa mga health centers, ayon sa Quezon City Epidemiology and Surveillance Division. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here