Home HOME BANNER STORY Paratang ni Madriaga vs VP Sara, susuriin ng Kamara

Paratang ni Madriaga vs VP Sara, susuriin ng Kamara

249
0

MANILA, Philippines – Ayon kay House Committee on Public Accounts Chairman Terry Ridon, kailangang dumaan sa pormal na pagsusuri ang mga paratang ni Ramil Madriaga bago ito magamit sa bagong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ani Ridon, “If they want it as one of the grounds, Congress will ultimately require corroborative evidence.” Hindi pa rin matukoy kung puwede nang gamiting ebidensya ang mga pahayag ni Madriaga, at kailangan itong beripikahin sa pamamagitan ng House inquiry.

Ipinaliwanag ni Ridon na si Madriaga ay “not a saint”, kaya ang Kongreso ang magtutukoy ng katotohanan sa pamamagitan ng cross-examination at pagsusuri ng ebidensya.

Kasalukuyang nakabinbin ang impeachment complaints habang hinihintay ng Kongreso ang desisyon ng Supreme Court sa motion for reconsideration ng 20th Congress hinggil sa unang impeachment complaint laban kay Duterte. Ang desisyon ay inaasahang ilalabas sa loob ng tatlo hanggang apat na linggo.

Kung maipapasok bilang karagdagang grounds, kailangan ng Kongreso ng patunay na direktang konektado si Madriaga kay Duterte. Noong Disyembre, inakusahang pinondohan ng drug dealers at POGOs ang kampanya ni Duterte, at idiniin ni Madriaga na inatasan siya ni Atty. Mans Carpio na mag-transport ng magnetic lifters na may shabu.

Si Madriaga ay maaaring magsumite ng secondary clarificatory affidavit sa mga susunod na araw, habang ipinapasa na rin ang kanyang notarized affidavit sa Ombudsman para sa imbestigasyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here