MANILA, Philippines – Naagpaabot ng pagbati si Pangalawang Pangulo Sara Duterte sa kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-80 niyang kaarawan, nagpapasalamat sa kanyang mga aral sa katatagan, tapang, at halaga ng edukasyon.
“Warmest birthday wishes to Former President Rodrigo Duterte. I learned resilience and courage in your exigence. Thank you for teaching me the value of education,” anang Vice President. “I wish you love, good health and happiness. Happy 80th birthday Papa!,” dagdag pa niya.
Sa kasalukuyan, nakakulong si Duterte sa The Hague dahil sa mga kasong krimen laban sa sangkatauhan. Nasa Netherlands rin si Sara at nanawagan ng panalangin para sa kanyang kalusugan at agarang pagbabalik sa Pilipinas.
“Sa kanyang pagdiriwang ng kanyang 80th birthday, huwag nating kalimutan na ipagdasal sa Diyos na sana ay biyayaan pa siya ng mas magandang kalusugan at mas mahabang buhay,” ani Sara.
“Hilingin din natin sa Diyos na sana ay makauwi na agad si Pangulong Duterte sa Pilipinas,” dagdag pa niya.
Samantala, may mga pagtitipon sa bansa at ibang panig ng mundo bilang paggunita sa kanyang kaarawan. Sinabi ng MMDA na hindi nila haharangin ang mga protesta basta’t hindi ito makakaabala sa trapiko. Santi Celario