Home NATIONWIDE #WalangPasok Mar. 28 sa matinding init, bday ni Digong

#WalangPasok Mar. 28 sa matinding init, bday ni Digong

MANILA, Philippines – Kinansela o inilipat sa modular learning ang klase sa ilang bahagi ng Pangasinan sa Marso 28, 2025, dahil sa matinding init.

Suspendido ang lahat ng klase sa Alaminos at Dagupan.

Sa Bayambang, Urdaneta, at Calasiao, modular learning ang ipinatupad.

Sa Malasiqui, pinaikli ang oras ng klase sa umaga, habang sa Manaoag, Mangaldan, at Urbiztondo, walang face-to-face classes sa hapon.

Samantala, 15 pampublikong paaralan sa Davao City ang nag-suspend ng face-to-face classes sa Marso 28, 2025, para sa prayer rally sa ika-80 kaarawan ni dating Pangulong Duterte. Blended learning ang ipatutupad. RNT