Home NATIONWIDE Taumbayan pinag-iingat ng Malakanyang sa mga taong nagkukunwari at nagpapanggap na banal

Taumbayan pinag-iingat ng Malakanyang sa mga taong nagkukunwari at nagpapanggap na banal

1
0

MANILA, Philippines – Pinag-iingat ng Malakanyang ang taumbayan sa mga taong nagkukunwari at nagpapanggap na banal.

Sinabi ito ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro matapos payuhan ni Sen. Alan Peter Cayetano si Senate President Pro Tempore at acting Senate President Win Gatchalian na mag-ingat at huwag magpagamit sa Malakanyang at maging sa sariling mga kasamahan kahit pa binigyan siya ng mataas na posisyon.

Kaya ang payo naman ni Castro kay Cayetano ay huwag kumilos na akala mo ay siya ang biktima.”

At tila ipinamukha pa ni Castro kay Cayetano na marami ang nabiktima ng kamakailan lamang na kaganapan sa Senado, kung saan binigyang diin ni Castro na nangyari ang lahat ng ito sa ilalim ng liderato ni Cayetano bilang Senate president.

“Sana ‘wag kumilos ang opisyal na parang siya pa ang biktima,” ang siing pahayag ni Castro.

“Ang sinasabi ay mag-ingat sa Malacañang, mas mag-ingat po ang taumbayan sa mga taong nagkukunwari at nagpapanggap na banal,” dagdag na wika nito.

Nilinaw ni Castro na walang partikular na tinutukoy dito subalit kung tatamaan at maapektuhan aniya si Cayetano ay wala siyang magagawa. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here