Home NATIONWIDE 641 opisyal ng PCG, promoted sa donning of ranks ceremony

641 opisyal ng PCG, promoted sa donning of ranks ceremony

144
0
via Philippine Coast Guard Facebook Page

MANILA, Philippines – Kinilala ng Philippine Coast Guard (PCG) ang promosyon ng 641 na opisyal sa sabayang donning of ranks at oath-taking ceremony noong Martes, Marso 3.

Pinangunahan ang seremonya, na ginanap sa Coast Guard Fleet Parade Ground ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan.

Kabilang sa mga na-promote ay mga opisyal na may ranggong Captain, Commander, Lieutenant Commander, Lieutenant, at Lieutenant Junior Grade.

Ayon sa PCG, “Kabuuang 641 opisyal ang na-promote—37 sa Captain (CAPT), apat sa Commander (CDR), at 101 sa Lieutenant Commander (LCDR). Dagdag pa rito, 499 opisyal ang na-promote mula Ensign (ENS) patungong Lieutenant Junior Grade (LTJG).”

Ipinaliwanag ng Coast Guard na ang donning of ranks ay isang tradisyon kung saan inilalagay ang bagong insignia sa uniporme ng mga opisyal, na sumisimbolo sa tiwala ng Commandant sa kanilang pamumuno.

Ayon sa PCG, ang mga promosyon na ito ay sumasalamin sa dedikasyon, propesyonal na pag-unlad, at walang pag-aalinlangang pagsisilbi ng mga opisyal.

Habang patuloy na pinalalawak ng PCG ang papel nito sa kaligtasan at seguridad sa karagatan, ang mga lider na ito ang nangunguna sa misyon ng organisasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here