Home HOME BANNER STORY 140K pasahero sa mga pantalan namonitor ng PCG

140K pasahero sa mga pantalan namonitor ng PCG

MANILA, Philippines Mahigit 140,000 pasahero na ang na-monitor ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa Oplan Byaheng Ayos: Semana Santa 2025.

Mula alas-6 ng umaga hanggang alas 12 ng tanghali nitong Miyerkoles Santo ay nasa 77,782 outbound  passengers na ang naiulat, habang 68,890 naman ang inbound passengers sa lahat ng daungan sa bansa.
Nag-deploy na rin ng 4,748 frontline personnel sa 16 PCG districts kung saan  647 barko at 1,113 motorbancas na ang nainspeksyon.
Inilagay ng PCG heightened alert ang kanilang districts, stations, at sub-stations mula Abril 13 hanggang 20 para pamahalaan ang pagdagsa ng mga pasahero sa pantalan.
Nagpaalala ang PCG sa publiko na maglalakabay na makipag-ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng kanilang opisyal na Facebook page o ang  Coast Guard Public Affairs Service (0927-560-7729) para sa  inquiries, concerns, at clarifications kaugnay sa  sea travel protocols at regulasyon ngayong Semana Santa.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)