MANILA, Philippines – Umaapela ng hustisya ang grupo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) at Philippine Exporters Confederation (PhilExport) sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Filipino-Chinese businessman Anson Tan, kilala rin sa pangalang Anson Que at driver nitong si Armanie Pabillo.
Sa inilabas na joint statement ng PCCI, FFCCCI at PhilExport, hindi lamang isang ordinayong krimen kidnap slay kay Que kundi dagok at malaking insulto sa peace and order ng bansa. Maituturing din itong hamon sa kakayahan ng Philippine National Police (PNP) na sugpuin ang mga heinous crimes.
Ayon pa sa grupo ng mga negosyante na hangad nila na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Que na isang steel magnate at kilalang philanthropist at may malasakit sa kapwa. Isang responsableng ama at tauhan naman si Pabillo. Dekada nang nagnenegosyo si Que na kilala sa Filipino Chinese Community.
“These acts are not merely crimes; they are an assault on the soul of our nation, a grotesque violation of humanity itself, and a declaration of war against the principles of justice, decency, and peace that bind us as a society,” nakasaad sa joint statement.
Nangyari ang pagdukot kina Que habang kumakain sa isang kilalang restaurant sa Metro Manila habang bangkay na ng matagpuan ang mga ito sa Rodriguez, Rizal.
Payo ng mga negosyante sa PNP, agad na papanagutin ang nasa likod ng kidnap slay kay Que dahil may malaking epekto ang peace and order sa mga nais na mamamuhunan sa bansa gayundin sa turismo.
Dapat na ipakita ng pamahalaan at PNP na ligtas pa rin ang bawat indibiduwal sa bansa. (Santi Celario)