Home NATIONWIDE Project PAG-IBIG inilunsad ng CHED, 81 SUCs sa community childcare

Project PAG-IBIG inilunsad ng CHED, 81 SUCs sa community childcare

1
0

MANILA, Philippines – INILUNSAD ng Commission on Higher Education (CHED) ang Project PAG-IBIG (Parents’ Access to Growth through Inclusive, Balanced, and Innovative Guidance) para isulong ang community childcare sa loob ng state universities and colleges (SUCs) sa buong bansa.

Ang Project PAG-IBIG ay inilunsad sa isang national kickoff ceremony sa Romblon State University noong June 3, katuwang ang 81 SUCs.

Layon nito na palakasin at palawakin ang kasalukuyang child-minding facilities at laboratories sa loob ng SUCs sa pamamagitan ng i-transform ang mga pasilidad sa isang community-accessible childcare centers na maaaring sumuporta rin sa mga magulang, working parents, mga estudyante, at iba pang stakeholders na nangangailangan ng maaasahan na childcare services.

Sa isang kalatas, sinabi ni CHED Chairperson Shirley Agrupis na ang Project PAG-IBIG ay higit pa sa sa pangunahing imprastraktura.

“This is more than just the opening of facilities; it is the realization of a vision,” ayon kay Agrupis.

“It recognizes that education thrives where families are empowered, communities are strengthened, and every learner is given the opportunity to succeed,” aniya pa rin.

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng institutional childcare, nalansag ng Project PAG-IBIG ang long-standing barriers sa workforce at academic participation bilang pinapayagan nito ang community members na manatiling produktibo sa kanilang trabaho, isulong ang mas mataas na educational at professional credentials, at paghusayin ang kanilang financial stability nang hindi makokompromiso ang pangangalaga sa pamilya.

Samantala, tinatayang may 15 milyong solo parents sa Pilipinas, ayon sa World Health Organization.

Tinatayang may 75% naman ng nasabing populasyon ang kulang sa college degrees, ipinapakita lamang nito ang mga hadlang na kinahaharap ng mga solo parents sa pagsusulong ng mas mtaas na edukasyon at paghusyain ang kanilang economic opportunities, na hangad ng pryekto na tugunan. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here