Home NATIONWIDE DOH nagbabala sa pekeng endorsement ng cancer treatment

DOH nagbabala sa pekeng endorsement ng cancer treatment

3
0

MANILA, Philippines – Binalaan ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes, Hunyo 5, ang publiko laban sa mga pekeng endorsement ng cancer treatment na gumagamit ng pangalan ng ahensya.

Sa isang advisory, tinukoy ng DOH bilang peke ang quote card ni Health Secretary Teodoro Herbosa na umano’y nag-eendorso ng produkto para sa mga pasyenteng may cancer.

Nagpakita rin ang DOH ng larawan ng isang produktong may label na “MediHope.”

Giit ng DOH, hindi aprubado o kinikilala ng ahensya ang nasabing produkto.

Nananatiling neutral ang DOH at wala itong kaugnayan sa anumang commercial endorsements, ayon sa kagawaran.

Iniulat na rin ng ahensya ang social media page sa Department of Information and Communications Technology para maipababa ito.

Pinag-iingat din ng DOH ang publiko laban sa mapanlinlang na marketing strategy gamit ang mga pekeng testimonya, pekeng endorsement mula sa mga eksperto, at mga health claim. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here