Home NATIONWIDE Partnership sa modernisasyon ng sektor ng pangisdaan pinalawig ng Pilipinas at Japan

Partnership sa modernisasyon ng sektor ng pangisdaan pinalawig ng Pilipinas at Japan

3
0

MANILA, Philippines – PINALAWIG ng Pilipinas at Japan ang kanilang agricultural partnership para gawing modernisado ang local fisheries sector sa pamamagitan ng Japanese technology.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), suportado ng partnership ang pagsisikap na itaas ang output sa gitna ng ‘climate risks, tumataas na production costs, at lumalaking food demand.’

“The (fisheries) sector contributes substantially to domestic food supply and employment but faces mounting pressures from climate change, resource depletion, and rising operational costs,” ayon sa kalatas ng DA.

Nauna rito, nilagdaan ng Maynila at Tokyo ang memorandum of cooperation (MOC) sa four-day state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., isang follow up sa 2023 accord sa pagitan ng DA at Ministry of Agriculture, Forestry and Fisheries (MAFF) ng Japan.

Sa kabilang dako, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ang pinalakas na partnership ay sumasalamin sa lumalagong kahalagahan ng pangisdaan sa ‘food security at job creation agenda’ ng bansa.

“Food security is not just about producing more crops. It is about building resilient food systems from farms to fishing grounds, embracing technology, and ensuring our farmers and fisherfolk can remain productive despite growing challenges,” ang tinuran ni Tiu Laurel.

Sinabi naman ni Tokyo-based Agriculture Attache Aleli Maghirang na ang pinalakas na pagtutulungan ay nakapokus sa inobasyon kabilang na ang ‘smart technology at digital transformation, para palakasin ang productivity sa Philippine agriculture at food systems.

Saklaw ng partnership ang ‘smart farming, digitalization, mechanization, biotechnology, climate resilience, fisheries, at value-chain development.’

Winika pa ng DA na inaasahan ng sektor na makakuha ng mas malawak na access sa Japanese expertise sa ‘agriculture, fisheries management, postharvest technologies at food systems modernization.’

Kapuwa naman magtatatag ang dalawang bansa ng Joint Committee on Agriculture and Fisheries (JCAF), magsisilbi bilang platform para talakayin ang polisiya, technical cooperation at project development.

Samantala, nakatakda namang mag-host ang MAFF ng Japan ang JCAF meeting sa darating na Hulyo 2 hanggang 3 sa Tokyo upang agad na patakbuhin ang MOC. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here