Nagbigay ng tulong ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga pamilya ng dalawang OFW na nasawi sa 7.7-magnitude na lindol sa Mandalay, Myanmar noong Marso 28.
Personal na nakiramay si Secretary Hans Cacdac at tiniyak ang tulong-pinansyal at suporta pagdating ng mga labi sa bansa.
Kasalukuyang inaasikaso ng DFA ang repatriation.
Ang dalawang nasawi ay kabilang sa apat na OFWs na napaulat na nawawala matapos ang lindol.
Apektado rin ang Thailand ngunit walang nasaktan na Pilipino doon. RNT