Home METRO Kelot sinaksak sa mukha ng suspek na hinahanap si alyas ‘panget’

Kelot sinaksak sa mukha ng suspek na hinahanap si alyas ‘panget’

MANILA, Philippines – Isang 30-anyos na lalaki ang sinaksak sa mukha matapos tanggihan na kilala niya ang isang taong tinatawag na “Panget” sa Barangay Payatas, Quezon City noong Mayo 21.

Base sa imbestigasyon, tinanong ang biktima ng suspek na si  alias “Jeremy” kung may kilala ba ito na alyas panget, nang itanggi ng biktima, dito na siya agad na sinaksak ng suspek ng isang kitchen knife.

Naaresto ang suspek at kasalukuyang inoobserbahan ang biktima sa ospital.

Haharapin ng suspek ang kasong frustrated homicide. Santi Celario