MANILA, Philippines – Naaresto ang dalawang high-value drug pusher na kilala bilang “Fahad” at “Romel” sa isang buy-bust operation sa Quezon City noong Mayo 21.
Narekober ng pulisya ang mahigit 300 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng higit P2 milyon, pati na rin ang isang cellphone at buy-bust money.
Sasampahan sila ng kaso ayon sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT