Home HOME BANNER STORY 655 katao, naputukan sa Bagong Taon

655 katao, naputukan sa Bagong Taon

188
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng kabuuang 655 fireworks-related injuries sa buong bansa mula nang simulan ang monitoring noong Disyembre 21, mas mababa ng 20% kumpara sa 819 kaso na naitala noong Enero 3, 2025.

Ayon sa ulat ng DOH nitong alas-4 ng umaga ng Sabado, 54% o 351 sa mga biktima ay 19 taong gulang pababa.

Labinsiyam na biktima ang kinailangang putulan ng apektadong bahagi ng katawan, kabilang ang 11 menor de edad.

Karamihan sa mga kaso ay dulot ng hindi matukoy na uri ng paputok, sinundan ng kwitis at 5-star.

Gayunman, sinabi ng DOH na bagama’t mas kaunti ang naitalang kaso, mas malubha naman ang mga pinsalang natamo ngayong taon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here