Home NATIONWIDE Davao Occidental niyanig ng M-5.3 lindol

Davao Occidental niyanig ng M-5.3 lindol

207
0

MANILA, Philippines – Isang lindol na may lakas na magnitude 5.3 ang naitala sa karagatang bahagi ng Davao Occidental nitong Linggo ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Naganap ang lindol dakong alas-7:13 ng umaga, may lalim na 10 kilometro at tectonic ang pinagmulan, na may epicenter na 286 kilometro sa timog-silangang bahagi ng bayan ng Jose Abad Santos.

Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang pinsala ngunit posible ang mga aftershock. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here