Home METRO Estudyanteng rapist sa Cagayan, arestado

Estudyanteng rapist sa Cagayan, arestado

BUGUEY, Cagayan – Arestado ang tinaguriang Top 6 Most Wanted Person sa lalawigan ng Cagayan sa kasong panggagahasa o rape at iba pang pang-aabuso sa menor de edad matapos isilbi ang kanyang warrant of arrest ng kapulisan.

Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Marlou Del Castillo, hepe ng Buguey Police Station kay PCol. Mardito Anguluan, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office o CPPO ang suspek ay si aka Rico, 21 anyos, estudyante, at residente ng naturang bayan.

Ang pagkakaaresto ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pinagsanib na puwersa ng Buguey Police Station sa pamumuno ni PMaj. Del Castillo, kasama ang 203rd Maneuver Company, RMFB 2, 2nd PMFC, RIU, at PIT Cagayan North.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na walang inirekomendang piyansa.

Pansamantala nasa kustodiya na siya ng Buguey Police Station para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan para sa tamang disposisyon. (Rey Velasco)