Home NATIONWIDE 65K aplikante nabigyan ng trabaho sa DOLE job fairs noong 2024

65K aplikante nabigyan ng trabaho sa DOLE job fairs noong 2024

184
0

MANILA, Philippines- Iniulat ng Department of Labor and Employment (DOLE) na humigit-kumulang 65,000 kalahok sa 1,800 job fair ng gobyerno sa buong bansa ang na-hire on the spot noong 2024.

Ayon kay DOLE Secretary Bievenido Laguesma, 400,000 job seekers ang nagparehistro sa mga job fair na inorganisa ng ahensya sa tulong ng local government units (LGUs).

Kabilang sa pangunahing alok na trabaho ay sa retail service at manufacturing sectors.

Sinabi ni Laguesma na bukod sa retail at manufacturing sectors, tinitingnan ng gobyerno ang mga umuusbong na merkado na maaaring makadagdag ng mga trabaho para sa mga manggagawa.

Samantala, tiniyak ni Laguesma sa publiko na mga karapat-dapat na indibidwal lamang ang makikinabang sa Tulong Pangkabuhayan sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) bago ang panahon ng kampanya para sa May 2025 elections.

Ayon sa kalihim, ipatutupad ang mas mahigpit na guidelines upang mga kwalipikadong indibidwal lamang ang makakatanggap ng DOLE emergency employment program para sa displaced workers.

Ginawa ni Laguesma ang pagtitiyak sa gitna ng alalahanin na magamit ng mga politiko ang TUPAD program sa panahon ng pangangampanya para sa Mayo.

Nauna nang pinagbigyan ng Commission on Elections (Comelec) ang siyam na social services programs ng DOLE, kabilang ang TUPAD mula sa election spending ban. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here