Home METRO Hustisya sa ‘iskolar ng bayan’ na tinadtad ng saksak, sigaw ng UP

Hustisya sa ‘iskolar ng bayan’ na tinadtad ng saksak, sigaw ng UP

255
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang University of the Philippines (UP) ng hustisya para sa pagpatay sa 19-anyos na estudyanteng si Sophia Coquilla ng UP Diliman, na natagpuang patay sa kanyang silid sa Tagum City, Davao del Norte noong Hulyo 9.

Ayon sa UP, si Coquilla ay nagtamo ng 38 saksak at pinaslang sa murang edad, dahilan upang mawala ang isang “Iskolar ng Bayan” na may magandang kinabukasan.

Hinihimok ng unibersidad ang mga awtoridad na magsagawa ng mabilis at transparent na imbestigasyon.

Nag-alok din ng psychosocial support ang UP sa pamilya at komunidad nito.

Ninakaw umano ng mga suspek ang laptop, cellphone, tablet, at relo ng biktima, at sinabing pinatay nila ito dahil nakita ang kanilang mga mukha.

Nangako ang pulisya ng masusing imbestigasyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here