Home METRO 67-anyos pumila sa P10K ayuda, utas sa stroke

67-anyos pumila sa P10K ayuda, utas sa stroke

25
0

CAGAYAN — Isang 67-anyos na lalaki na nakapila upang tumanggap ng tinatayang P10,000 na cash ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Cagayan ang pumanaw matapos ma-stroke habang naghihintay sa pila.

Kinilala ang biktima na si Wilfedo Corpus, residente ng Barangay Anquiray sa Amulung, Cagayan.

Ayon sa kaniyang kapatid na si Shirley Cielo, sabik pa ang kaniyang kuya na pumunta sa kapitolyo sa Tuguegarao City kung saan isinagawa ang pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng Emergency Cash Transfer Program ng DSWD.

Nasa P10,000 sana ang tatanggapin ni Corpus sa programa ngunit pumanaw siya bago pa man ang nakatakdang pamamahagi.

Ayon kay Cielo, pansamantalang umalis sa pila ang kaniyang kapatid upang kumain at umihi ngunit hindi na ito nakabalik, matapos siyang ma-stroke at isugod sa ospital.

“Si Kuya nagpaalam sa akin na pupunta sa… iihi. May kasama siyang dalawang lalaki na pumuntang… kumain at umihi. Pero nung katagalan hindi naman siya bumalik sa pila,” ani Cielo.

Sa kabila ng nangyari, ibinigay pa rin ng DSWD sa pamilya ni Corpus ang cash aid na para sana sa kaniya.

Nagkaloob din ng burial assistance ang ahensya, gayundin ng karagdagang tulong mula sa pamahalaang panlalawigan sa naulilang pamilya. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here