Home TOP STORIES 82 utas sa pagsabog sa minahan sa China; 2 pa nawawala

82 utas sa pagsabog sa minahan sa China; 2 pa nawawala

24
0

BEIJING, China – Patuloy na hinahanap ng mga rescuer sa hilagang China ang dalawang manggagawang nawawala matapos ang malakas na pagsabog sa isang minahan na ikinamatay ng 82 katao, ayon sa mga awtoridad.

Naganap ang pagsabog noong Biyernes sa Liushenyu shaft sa Shanxi province, na sinasabing may seryosong paglabag sa safety rules. Aabot sa 247 manggagawa ang nasa ilalim ng lupa nang mangyari ang insidente, ayon sa mga awtoridad.

Ayon sa ulat, mahigit kalahati ng mga minero ay hindi maayos na nairehistro bago bumaba sa minahan, na labag sa regulasyon na nangangailangan ng facial recognition o tracking cards.

Isang opisyal ang nagsabi, “Those found responsible will be severely punished in accordance with laws and regulations.”

Samantala, isang rescuer ang nagsabi, “As long as there is hope, we will make every possible effort,” habang nagpapatuloy ang operasyon ng paghahanap.

Isang 58-anyos na minero naman ang nagsabing kulang sa safety measures ang kumpanya: “From what I’ve seen, the management (at this company) is the worst.”

Ayon pa sa kanya, may mga pagkakataon na ang mga minero ay kailangang bumili pa ng sarili nilang safety helmet.

“I didn’t hear any sound at all, but then a cloud of smoke appeared,” ayon sa survivor na si Wang Yong.

Dagdag niya, “It (had) the smell of sulphur like when people set off firecrackers. When the smoke came down, I shouted for people to run.”

Patuloy ang imbestigasyon ng pamahalaan ng China sa insidente, habang ipinangako nilang papanagutin ang mga responsable. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here