Home METRO 1 arestado, 3 pa pinaghahanap sa viral motorcycle theft sa Marikina

1 arestado, 3 pa pinaghahanap sa viral motorcycle theft sa Marikina

65
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Marikina City Police Station na nagpapatuloy ang manhunt operation laban sa tatlong iba pang suspek sa viral na insidente ng motorcycle theft sa Barangay Sto. Niño, Marikina City noong Mayo 18.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente bandang alas-12 ng madaling araw sa Santisimo Street sa Manotoc Subdivision kung saan isang 22-anyos na biktima ang natangayan ng kanyang Yamaha Mio Aerox motorcycle ng apat na armadong lalaki na sakay ng dalawang motorsiklo.

Sinabi ng Marikina police na isa sa mga suspek ay naaresto sa Quezon City kaugnay ng hiwalay na carnapping case at nakilala rin ito ng biktima.

“Follow-up operations and coordination with adjacent police units are ongoing for the identification and arrest of the remaining suspects,” ayon sa pulisya.

Nagsampa na rin ng kaso ang mga awtoridad laban sa identified suspect para sa paglabag sa Republic Act 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016 sa Marikina City Prosecutor’s Office noong Mayo 22.

Tiniyak ng Marikina CPS ang kanilang patuloy na kampanya para sa kapayapaan at hustisya, habang hiniling din nila sa publiko na iwasan ang pag-post o pag-share ng mga video ng insidente kung hindi direktang sangkot.

Hinikayat din ng pulisya ang publiko na agad i-report ang anumang krimen upang makatulong sa imbestigasyon at pagpapanatili ng seguridad sa komunidad. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here