Home METRO UPDATE: Bilang ng nasawi sa gumuhong gusali sa Angeles City, umakyat sa...

UPDATE: Bilang ng nasawi sa gumuhong gusali sa Angeles City, umakyat sa 3

45
0

PAMPANGA, Philippines – Umabot na sa tatlong katao ang nasawi sa patuloy na search, rescue, at retrieval operations sa gumuhong nine-story building na kasalukuyang itinatayo sa Barangay Balibago, Angeles City.

Ayon sa ulat, kinumpirma ng mga awtoridad na isa pang biktima ang narekober mula sa mga labi ng gumuhong istruktura ngunit idineklarang dead on arrival sa ospital.

Ang insidente ay nangyari nitong Linggo ng madaling araw (May 24), at nagdulot ng malawakang operasyon ng rescue mula sa iba’t ibang ahensya kabilang ang Bureau of Fire Protection, Philippine Army, Philippine National Police, Philippine Coast Guard, at K9 units.

Ayon sa mga ulat, ang unang nasawi ay isang Malaysian national na person with disability (PWD) na natabunan ng bumagsak na debris at kalaunan ay narekober mula sa isang kalapit na apartelle na naapektuhan ng pagbagsak ng gusali.

Patuloy pa rin ang operasyon habang hinahanap ang iba pang posibleng nai-trap sa ilalim ng gumuhong estruktura. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here