Home METRO 68-anyos na may kaso ng Acts of Lasciviousness, swak sa selda

68-anyos na may kaso ng Acts of Lasciviousness, swak sa selda

96
0

MANILA, Philippines – SWAK sa hoyo 68-anyos na vendor na wanted sa kaso dalawang bilang ng Acts of Lasciviousness nang matiklo ng pulisya sa manhunt operation sa Caloocan City.

Ikinasa ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz ang operation laban sa akusado na residente ng Brgy., Wawang Pulo, Valenzuela City makaraang maispatan ang presensya nito sa Lungsod ng Caloocan.

Hindi na nakapalag ang akusado nang makorner ng mga operatiba ng NPD-District Special Operations Unit (NPD-DSOU) sa kahabaan ng McArthur Highway na sakop ng Caloocan City.

Maayos naman umanong naisilbi sa akusado ang arrest warrant na inisyu ng Family Court, Branch 13, Iba, Zambales para sa two counts of Acts of Lasciviousness in relation to R.A. 7610 na may inirekomendang piyansa na P180,000.00 bawat bilang.

Ang akusado ay dinala sa isang ospital para sa medikal examination bago inilagay sa ilalim ng kustodiya ng pulisya habang nakabinbin ang tamang paglilitis sa korte. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here