MANILA, Philippines – Apektado na ang nasa 681 indibidwal sa ibat-ibang pantalan dahil sa bagyong Inday.
Ayon sa pinakahuling tala at monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), kabilang sa mga stranded ang mga pasahero, truck driver at helper.
Aabot rin sa 206 rolling cargoes, 12 vessels at 33 motorbancas ang naitalang stranded mula sa 57 apektadong pantalan.
Ilan sa mga pantalan na naapektuhan ng bagyo ay sa Southern Tagalog, Bicol Region, BARMM, North Western Luzon gayundin sa Southern Visayas, Central at Western Visayas.
Para naman manatiling ligtas at hindi maapektuhan ng bagyo, pansamantalang nakidaong sa ibang pantalan ang nasa 161 na vessesl at 138 na motorbancas.
Patuloy naman nakamonitor ang PCG sa sitwasyon ngayong may bagyo habang pinapayuhan ang mga pasahero na manatiling tumutok sa mga abiso o anunsyo hinggil sa kanselasyon ng mga biyahe sa karagatan bunsod ng bagyong Inday. Jocelyn Tabangcura-Domenden