Home ENTERTAINMENT Antipolo mansion ni Paolo, muntik nang maabo!

Antipolo mansion ni Paolo, muntik nang maabo!

297
0

Manila, Philippines – Ipinag-aadya pa rin si Paolo Ballesteros at ang kanyang pamilya matapos maagapan ang pagkalat ng apoy sa kanyang mansyon sa Antipolo City.

Gabi nitong December 21 nang buti na lang at napansin ng isang kapitbahay na nagliliyab na ang giant Christmas decor sa labas ng kanyang tahanan.

Ito’y kung tawagin ng Ballesteros family na “green laso” ng Antipolo.

Sinasakop nito ang harapan at bandang gitnang marangyang bahay ng Eat Bulaga host.

Taong 2020 noong itinayo ang kulay pula munang palamuti.

The following year–2021–ay kulay gold na ito.

This 2025 ay kulay berde naman ito.

Ayon sa kapatid ni Paolo na si Chiqui Ballesteros-Belen, katatapos lang nilang maghapunan at magkakuwentuhan ng mga sandaling ‘yon.

Paakyat na sila sa kani-kanilang mga silid nang mag-doorbell ang isa nilang kapitbahay.

Sinabihan sila nito na umuusok daw ang giant green ribbon–na noong makita nila’y malaki na ang sunog.

Buti’t naapula ‘yon kaya ganoon na lang ang pasasalamat ni Chiqui: “Maaga mang nag-retire ang green laso ng Antipolo, ligtas at sama-sama pa rin kaming nag-Pasko.”

Dagdag ni Chiqui: “Salamat sa kapitbahay na kumatok!”

Higit sa lahat, the Ballesteros family thanked the Lord for their safety.

Hindi malinaw ang sanhi ng sunog. Ronnie Carrasco IIi

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here