Home METRO 7-anyos tinangay ng baha sa Calamba, natagpuan na

7-anyos tinangay ng baha sa Calamba, natagpuan na

1
0

LAGUNA, Philippines — Natagpuan ng mga search and rescue team ang bangkay ng 7-anyos na batang lalaki noong Huwebes, apat na araw matapos siyang tangayin ng rumaragasang baha sa Calamba City, Laguna.

Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Division (CDRRMD), natagpuan ang bangkay bandang 4:00 p.m. sa isang bahagi ng San Cristobal River.

Patuloy naman ang paghahanap sa kanyang 9-anyos na kapatid na babae, na nananatiling nawawala.

Nawala ang magkapatid matapos gumuho ang kanilang bahay sa tabing-ilog sa Barangay Mapagong noong Hulyo 19, dahil sa landslide na dulot ng biglaang pagtaas ng tubig sa ilog bunsod ng malakas na ulan. Ilang bahay sa tabing-ilog ang nasira rin sa insidente.

“The search continues for the remaining missing child as authorities carry out the necessary procedures and maintain close coordination with concerned agencies to ensure the orderly continuation of the operation.” ayon sa CDRRMD.

Samantala, nagbabala ang mga awtoridad na manatiling alerto ang mga residente dahil maaaring tumaas pa ang tubig sa San Juan River, San Cristobal River, at mga sanga nito dahil sa patuloy na pag-ulan.

Pinayuhan din ang mga nakatira malapit sa mga ilog at mabababang lugar na maghanda sa posibleng flash flood at lumikas agad kung kinakailangan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here