Home METRO Most wanted sa Navotas, tiklo sa kasong panggagahasa

Most wanted sa Navotas, tiklo sa kasong panggagahasa

1
0

MANILA, Philippines – Swak sa kulungan ang isang lalaking most wanted para sa kaso ng statutory rape matapos masakote ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Navotas City.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, ang akusado ay isang 30-anyos na lalaki na nakatala bilang No. 3 sa Top Ten Most Wanted Person sa Navotas City Police Station (NCPS).

Nang makatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Navotas Police Chief P/Col. Renante Pinuela naispatan ang presensya ng akusado sa lungsod ay agad nagsagawa ang mga ito ng operation laban sa suspek.

Hindi na nakapalag ang akusado nang masukol ng mga operatiba ng Navotas Police Warrant and Subpoena Section (WSS) sa kahabaan ng M. Naval Street, Barangay Sipac-Almacen.

Inaresto ang akusado sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng Regional Trial Court (RTC), Family Court, National Capital Judicial Region, Branch 9, Navotas City, para sa two (2) counts of Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility ng Navotas Police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman para sa paglilipat sa kanya sa Navotas City Jail. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here