GAZA – Patay ang pitong Palestinians sa nangyaring strike ng Israel sa isang paaralan sa Gaza.
Ayon sa ulat, ang pag-atake ay nangyari sa Shati Camp na matatagpuan sa Asmaa School kung saan tumutuloy ang ilang mga lumikas na residente maging ang mga rescuer.
Sinabi ni Civil Defense Officer Abdullah Al-Majlawi na tinarget ang ilang mga klasrum sa lugar.
Nagpapatuloy naman ang paghahanap sa mga nawawalang indibidwal na posibleng natabunan ng guho.
Nitong Sabado, matatandaan na nasa 32 katao rin ang nasawi sa kabi-kabilang strike ng Israel sa Gaza Strip. RNT/JGC